Bagong taon na uli kasi

Gasgas na ang rason na  ito pero eto lang talaga ang dahilan kung bakit uli ako magbabalik sa mundo ng blogosperyo.  Rason kung bakit ako tatambay uli sa crib at sisiguraduhing magiging makabuluhan ang taon na ito sa akin at sa inyong mga tambay dito.  Kwentong sagana  sa kabayagan at nakakaputa ng buhay na slight naman na may mapupulot kang aral. At least man lang. At best nagbasa ka lang na walang natutunan.  Pero again, may matututunadn ka. Promise.  Ito ang panigurado. Kahit Isa kang tamad at batugan na tao, may napupulot kang aral sa bawat araw na ikinanatili mo dito sa balat ng lupa.

Ayos naman yung bagong taon ko kung tatanungin mo ko.  Gumala ako sa kalye para busisiin ang mga ganap.  Kaso wala masyadong interesado dito sa lugar namin.  Pansin na hindi ramdam ng mga peeps ang bagong taon. Paano nga naman maeenjoy kung mismong sa gabing iyon ikaw ay nagtatrabaho patay katawan?  Ganun pa man may putok at torotot din naman naganap kahit papaano. Kanina lang ay tambay ako sa krib ng tsong at tsang ko at lumamon lang ng wagas.  Konti lang ang handa kung tutuusin.  May ulam na tira , hotdog na matamlay at siempre mga bilog na prutas na hindi naman makain dahil sa kahilawan.  Ganon pa man masaya naman ang kinahantungan.

Bago ako matulog kanina inilista ko na ang mga dapat gawin sa taong ito. Mga priority na hindi ko alam kung priority ba talaga sa buhay ko o magiging paksyet lang at kamot bayag lang ang ending. Pero again, walang masama sa pagpeke ng priority. Marami akong gusto gawin ngayong taon na ito pero isang  malaking karibal sa aking buhay ang katamaran. Matindi ang pwersa ng katamaran.

Last pero hindi huli, mahirap magtiis at magtyaga pero this year once a week na lang ako magtitikol. Promise.

2 thoughts on “Bagong taon na uli kasi”

Comments are closed.