Between Then and Now

Medyo sinisipag ang bayag ko ngayon para dumura at magsalitype dito sa crib. Kakajakol ko lang kasi. What else?
Pero seryoso, andaming nangyari mula noong huling tambay ko hanggang ngayon. Siguradong hindi ka interesado malaman ang katas ng buhay ko. Pero for the sake ng iyong kaboringan, at kung bakit ka ngayon nakatambay dito sa crib ko ay ikukwento ko sa iyo.
Bucket list updated!
     Mahigit tatlong taon na rin ang nakaraan nung huli kong binigyan pansin ang aking balde.
Isang matinding step forward sa akin ito na iupdate at ipaalala sa sarili ko na marami pa akong rason na mabuhay dito sa balat ng lupa. Bukod sa pag jakol.
Sumali sa Marathon
     Umpisa ng taong 2016 napagdesisyunan ko na gawin ang isa sa malaking pagsubok sa buhay ng sangkatauhan, ang takbuhin ang full marathon.
Isang matinding achievement ito dahil hindi ko inakala na magagawa ko.

Sinimulan ko sa 4km.

Ginanahan sa pagtakbo kaya sumunod na buwan ay tinira ko sa 7km.

Sumunod na buwan, kinana ko ang 10 km.

Ume effort ako kaya sumunod na buwan ay pinagbigyan ko ang 12 km.

Makalipas ang ilang buwan, hindi ako nagdalawang isip kaya pinawisan sa 21km.

Bago matapos ang taon, hiningal at muntik ng maputulan ng paa sa full 42km-.

Cutting the crap short, tangina,  after finish line…  yung ngiti ko abot milky way sa tagumpay.

Kung alam mo lang kung ilang litrong pawis ang tumulo at ilang beses na pahid ng vaseline sa utong ang naganap sa mga pangyayari.
INKtober

     Inktober ay isang challenge sa mga work of art tuwing oktubre.  31 Days, 31 Arts.

May mga araw na talagang tinamad ako pero sa buhay kailangan para kang etits, matigas kapag hinihingi ng pagkakataon.

Nagbalik Pinas
    Oo, nagbalik Pinas ako. Paksyet hindi rin ako makapaniwala. Makalipas ang mahigit na isang dekada ay naisipan ko pa talaga umuwi. Kung alam mo lang, matinding random mix emotional break down ang ngyari sa akin. Sa sobrang init sa Metro Manila, yung luha kong tumutulo, parang mantikang katas sa iniihaw na baboy.
Nakilala ko si Mr. J.

     Para sa iyong kaalaman, si Mr. J ay ang labidabdab ng ate ko. Oo, may ate ako. Pero pagkakamalan ako ang panganay dahil yung ate ko medyo abnormal ang paglaki nya.

Hindi talaga Mr. J. ang pangalan niya. Matindi ang memory gap  ng utak ko.  Ayokong mapahiya sa ilang beses na sinabi sa akin ng sis ko ang pangalan ng kanyang nobyo ay hindi ko pa rin maalala. Nakakalungkot.

Last but not least,..
Nagmeet kami ng aking idol na si Kat of mimingthoughts.

Aminin ko, type ko si kat. Kinilig ang balls ko kahit sandali lang kami nagkita. Super ganda ng kanyang personality at gusto ko ang kanyang ngiti. SYET!!

2 thoughts on “Between Then and Now”

  1. I must say you have very interesting content here.
    Your blog should go viral. You need initial boost only.
    How to get it? Search for; Etorofer’s strategies

  2. Nasulot ang puso ko ng linyang “matigas kapag hinihingi ng pagkakataon”, hahaha! Hanggang 5 pages (punyeta, ilang posts ang na-backread ko?) ang inabot ng paghahalukay ko, pero salamat, ang lakas makapagpa-porn vibes ng crib mo.

    Nagawi ako dito dahil masyado akong bored. Ito na nga, mapapa-subscribe ako. Nararamdaman ko nang madalas akong mabo-bore.

Comments are closed.