Death Penalty: Parusa sa nagaganap na krimen sa Pinas.

Alam na natin na ang pumatay ng kapwa ay mali. Kahit saang anggulo natin tingnan ay mananatiling katotohonan ito dito sa balat ng lupa. At kung moral at maka-diyos kang tao suportado mo ito dahil sa hustisyang tama ang iyong pinaniniwalaan.

Pero ang tanong, paano naman ang mga nabiktima ng mga criminal? Ang mga pamilya at mga inosenteng taong napahamak at napatay ng walang rason dahil sa kanilang masamang gawain at nagawa?

Ang aking opinyon ay salungat sa paniniwalang hindi solusyon ang parusang kamatayan sa ating bansa.

OO, SOLUSYON ITO SA ATING BANSA.

Hindi dahil wala akong moral sa buhay at hindi makatao. Sadyang sa panahon ngayon kailangan lang talagang dumisiplina ang mga kapwa tao natin at ituwid ang kanilang mga sarili kahit mahirap ang buhay. Hindi ngunit mahirap ang buhay ay gagawa na ng krimen. Maraming paraan para mamuhay ng tama.

Hindi natin kailangang ikumpara ang bansa natin sa bansa ng iba dahil hindi tayo sila at hindi sila tayo.

Maraming makabuluhang dahilan para ipatupad uli at suportahan ang death penalty.

Una sa lahat, naniniwala ako sa pantay na parusa  sa pantay na krimen na nagawa. At bilang isa sa mamamayan ng ating lipunan, naniniwala ako na tama lang na ibalik at magkaroon ng ganitong batas uli sa ating bansa.

Si Digong na rin ang nagsabi:

„Hindi ko layunin ang pababain ang krimen sa ating bansa. Nagkasala ka ng malaki sa iyong kapwa tao,  MAGBAYAD KA SA GINAWA MO”.

Dahil sa batas na ito, ang mga pamilyang nabiktima ay mabibigyan ng katarungan at hustiya para masara ang kanilang mapait na nahatungan at paghihirap.

Pangalawa, naniniwala ako sa tamang hustisya.  May mga krimen na malala, nakakatakot, at nakakakilabot. Halimbawa nito ay rape, masacre, abduction, bribery, drug related situation na kung saan buhay na ng tao ang nakataya.  Tama lang na ipatupad  ang batas na ito para mahadlangan ang paglaganap ng mga ito sa bansa natin.

Pangatlo, para i-demoralize at pahinain ang loob ng isang tao para gumawa ng krimen.

Kaya ganitong malala ang sitwasyon ng krimen sa ating bansa ay dahil wala tayong  malakas na parusa laban dito. Kung may ganitong batas, marami ang matatakot at maraming titino.

Naniniwala ako na makakabuti ito sa lipunan natin at hindi ako naniniwala na ikabababa ito nang halaga ng buhay ng tao sa bansa natin.

Hindi na ba kayo nagsasawa na araw-araw ang headline ay droga, patayan at rape?  Satingin ko, sawa na tayo sa kawalan ng solusyon.

Hindi ako pabor at sang-ayon sa batas na panghabang buhay na bilanggo. Dahil ganun din, pinatay mo na rin yung kriminal. Pinagkaiba lang   „slowly but surely”  at best, mabubulok at mamatay sya sa bilanguan ng katandaan o sa sakit na makukuha nya doon. Main point: Walang konsensyang naganap dahil  hindi direkto na pinatay sya.

Isa pa, magsisiksikan lang silang lahat sa kulungan. Kargo pa ng pamahalaan ang kanilang pagkain at kalusugan. Maswerte pa sila sa mga pulubi, sila pinapakain 3 times a day ng gobyerno, yung mga pulubi? Sa basurahan naghahanap ng makakain.

Karapatan ng bawat isa saatin na mabuhay. At dpende sa atin kung paano natin gagamitin ito dito sa mundo. Ang death penalty ay sinang-ayon ng nakararami sa makataong paraan. At ang batas na ito ay ginawa para bigyan ng boses ang bansa natin na tumino tayo at mabuhay ng marangal. At ito ang kapalit sa hindi pagsunod sa moral na buhay.

1 thought on “Death Penalty: Parusa sa nagaganap na krimen sa Pinas.”

  1. Minsan sinabi ko rin sa sarili na para sa pagunlad ng pagiging makatao ng ating lipunan, hindi ako sasang-ayon sa parusang kamatayan. Dahil sabi nga nila, kung maka-Diyos ka, bibigyan mo ng halaga ang buhay ng lahat ng nilikha, lalu na ang tao, sapagkat ang lahat ng tao ay mahal ng Diyos.

    Ngunit nabuo na rin ang loob ko at ang aking opinyon patungkol sa parusahng kamatayan-

    1. Totoo na ipinagbawal ng bibliya ang pag-patay. Kailangan daw suriin ang translation. Kumbaga, ang sinabi ay ‘Thou shalt not murder’. Ang ‘murder’ ay malaki ang kaibahan sa ‘kill’. Murder ang ipinagbabawal ng Diyos. Ang hustisya ng Diyos ay hindi nagiiba, it’s the same concept of justice in the past, today and in the future- Mata sa mata, ngipin sa ngipin. Ang implication nito ay punishment must fit the crime, it also implies that death penalty should be an option.

    2. Sa personal, magiging ipokrito lang ako kung may kamag-anak ako na magagahasa tapos mabibilanggo lang sa Bilibid. At ang rapist ay mageenjoy lang sa disco sa loob at mga painom ng mga criminal lords. Maninibugho lang ako buong buhay ko. Gusto ko makita na magbayad siya ng kanyang kasalanan. Ang rapist malaki ang chance pa na makalabas at mabuhay muli, subalit ang rape victim, sira na buhay niya magpakailanman.

    Ipokrito lang ang magsasabing hindi tama ang death penalty. Subalit hindi rin tama na walang hustisya, hindi tama na maging dahilan ang pagiging makatao at ang karapatang pantao upang ang mga criminal ay hindi masaktan o magbayad ng kanilang kasalanan.

    Kung ang mga nasa kapangyarihan at mga istitusyon ang mangunguna sa paghadlang ng hustisya, hindi na rin ako mabibigla kung bakit dadami ang mga vigilantes at mga papaslang sa pulisya.

Comments are closed.