Dude help me!

Isang malaking eyebolan ang nagaganap ngayon sa amin ng laptop ko. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Ang dami kong kailangang gawin slash tapusin para umangat sa buhay, para kumita ng pera, para yumaman, para magkaroon ng lovelife, para magkaroon ng magandang buhay, pero eto ako at nagsasalitype dito na parang baliw at ligaw sa buhay.

Seryo, isang malaking epidemic at sakit ang nakuha ko pero hindi ko alam kung kaninong hampaslupa pero ang pakiramdam ko ngayon ay mas malala pa kaysa sa naghihingalong isda.

Paano iprarioritize ang mga dapat unahin? Bakit ang hirap gawin? Bakit ganito bruh? Bakit ganito ang buhay ko? Ganito na ba talaga ang buhay ng walang motivation sa buhay? Ganito na ba talaga nagagawa ng mga tao walang hangarin sa buhay? Taong walang pangarap sa buhay? Pero dude, may hangarin at pangarap naman ako sa buhay. At hindi lang basta pangarap, gusto ko sya matupad! Pero kung ganito ako bruh  hindi ako uusad at hindi ako uunlad. Taragis dude pls help me!

3 thoughts on “Dude help me!”

  1. It’s just a phase Pareng Cy. It’s just a phase. You will definitely get there. Alam kong alam mo kung ano at paano ang mga dapat mong gawin at ang mga priorities mo sa buhay 😛

    Mararating mo yan 🙂 Tiwala lang. Push lang.

Comments are closed.