Isang matinding sikreto ang pagiging buntis.

Atleast sa pagkakaalam ko. Dahil ito ang ginawa ng matalik kong kaibigan sa akin.

Hindi misleading ang pamagat nitong titulo ko dahil pakinang latik may sense din naman itong crib ko kahit papaano para naman lumigaya ang iyong kaluluwa at hindi ka kumitil ng lamok na ang hangarin lang naman ay sumipsip ng iyong nakakadiabetes na dugo.

Hindi ko talaga maintindihan. Bakit kailangan nya ito itago at sa Boss ko pa kailangan malaman na nagdadalang tao sya.  Inaamin ko na isa akong putapeteng maingay at may gusto sa kanya. Pero to the point na kung sasabihin nya sa akin na huwag ikalat ang sikreto e hindi ko ikakalat. Ganon ako kasimple. Pero pagkakalat ko pa rin dahil proud akong nabuntis sya ng super-retarded nyang nobyo. Wahakhak. Teka may sumamang plema, isa pa, BWAHAHA!!!!

Sa nabasa mo na may gusto ako sa kanya…  partly totoo yon. Dahil ang galing nya lumandi. Yung tipong nararamdaman ko na may something na sa hangin pero yun pala ay utot lang nya na mabaho.

Salbahe akong tao. Sikreto lang natin ito. Bobo ako pagdating sa pakiramdaman ng feelings. Kahit inosenteng mabait na babae luluha ng dugo.  Ang malupit na katotohanan.

Para sa iyong kaalaman, sya ang naging una kong kaibigan sa kasalukuyang kumpanyang aking pinapasukan. Kung tatanungin mo ako pano kami naging magkaibigan ay hindi ko rin alam. Mahilig sya ngumiti, ako rin mahilig ngumiti. Masaya syang kasama pero mas masaya akong kasama. konserbatiba sya pero malibog ako. Palakaibigan sya pero mas malandi ako. Gusto nya ang mga bata pero ayoko sa kanila. Ayaw nya ng chocolate cake, nakakatibe daw. Ako naman gusto ko dahil nakaka-adik.

Madalas sa madalas hindi kami nagkakasundo at nagkaintindihan. At madalas sa madalas wala rin kaming pakelaman sa buhay ng isa’t isa. Isa matinding kape’t gatas na pinaghalo at hindi ko matanggap na isang buwan at ilang araw ko na lang sya mapepeste.

Retarded ako para malungkot. Pero paano naman ako kung wala na sya?

Matindi ang hugot nya sa sikret. Abot ang banggit sa akin ng ‘keep it as a sikret’ sabay ngiti.  Oo ganito sya.

Masyadong masikreto.

Kahit na tatanungin ko lang kung ano kinain nyang miryenda ay sasabihin din nyang sikret. Tangina lang.

Masyadong masikreto. Anong kaputahan ng buhay ito?

Pati ang pagbubuntis…  sinikreto ng matindi sa akin. Nang ibinalita ni manager na nagdadalang tao sya ay muntikan na ako mapaiyak at muntikan ko na syang masapak. Nagunaw ang mundo ko. I feel syet. Tiningnan ko sya at putangpakinang ina lang…   feel na feel nya ang kanyang pagka-center-of-attention. at ang ngiti lang sa kanyang mukha…  nakakaputa ng emosyon.

Darkest moment of my paking layf. Tangina lang talaga.

2 thoughts on “Isang matinding sikreto ang pagiging buntis.”

  1. ^ May hugot rin sayo tong nasa taas ^

    Magli-leave lang naman yata sya? haha. Babalik rin yon after mag leave (kung leave nga lang). Pero iba na yung feels </3 lol

Comments are closed.