Kanina ay kanina lang

Kanina mala tae ng baka yung ebs ko. Super size ebs kumbaga. Kung titimbangin siguradong aabot sa isang kilo. Dulot siguro yon ng mga pinagkakain kong veggies. Kaya naman kanina wala akong problema sa poop at tuloy ligo at pasok kaagad ako sa trabaho.
So anong balita sa akin?
Bukod sa pagiging pogi at pagiging hindi wholesome ng blog na ito,  eto at buhay pa rin ako sa awa ni Kamatayan.
Dahil summer na naman, kanina naisipan ko magpagupit. Wala akong transportation pass para bumiyahe papunta sa usual barbero ko kaya dito na lang malapit sa amin ako nagpahaircut.
Para sa inyong kaalaman, sa kabilang baryo ako nagpapagupit at hindi dito malapit sa amin. Oo, bumibyahe pa ang Pareng Cyron ninyo para lang magpagupit. Ako kasi yung tipo ng tao na ayaw makisalamuha at makipagkilala sa kadistrito ko kaya kailangan ko pang dumayo sa kabilang baryo para magmuka akong sosyal.
Pero ngayon exception. Ilang araw pa bago ako sumuweldo at hindi sapat ang dinero ko ngayong buwan kaya kailangan ko magtipid. 
Nasa eskinita lang ng kalye namin ang pagupitan kaya ilang lazy steps nandoon na ako.  Minsan na’ko pumasok doon. Pero hindi ako nagupitan sa kadahilanang wala akong appointment at walang willing gumipit sa akin.
Ito ang ayaw ko sa baranggay namin, may nalalaman pang paapoappointment. Iilang hampaslupa na nga lang kaming nakatira sa baryo ay may nalalaman pang appointment. Okay pagbigyan na, naiintidihan ko. Alam ko sa panahon ngayon kahit yung mabobote ay edukado rin kaya wala ng lugar ang mga primitibong tao na katulad ko dito sa balat ng lupa. Pakinang Syet!
It’s been a hekabol months na rin ang nakalipas ng mangyari yon pero eto ako muli at susubok. Siguradong matatandaan nila ako dahil ako lang ang asianong burat na nakatira dito. As usual wala uli akong appointment at basta lang papasok na parang may hahanapin.
Me: Magandang tanghali po.
(Si ate kumakain pa ng kanyang tanghalian. Tinapay na may palamang sausage.)
Ate:  Hello, How may I help you?
Me: Gusto ko po magpagupit.
Ate: Yes Sir,  ( Sabay tingin sa kanyang schedule notebook)
Me: Uhmmmm..  (sabay eyebol sa kanya)  Ate hindi po ako nagpa-appointment. Pasensya na po.
Ate: Oh, is that so? Okay wait a minute.
Kumpara noon, si ate medyo mabait ngayon. Dati parang gustong pumatay. Yung titig nya mala sanggano, parang may galit sa mundo. Pero ngayon happy sya. (epekto kaya yon ng kinakain nyang sausage on the bread?). Sandali lang daw. Kaya I literally did wait a minute. Si Ate may tinawag sa loob. Iniisip ko kung sino yung tinawag nya. Ine-expect ko babae rin kasi yung mga nakikita kong gumugupit ay puro babae pero nung lumabas yung tinawag ni ate e lalake.
Medyo na disappoint ako.  Pero ayos na rin dahil ang importante ay magupitan ako at magmukang wholesome handsome ako.
Ayos sa olrayt naman si Kuya. Medyo chubby at medyo nawawalan na rin ng buhok sa tuktok. Ayos sa olrayt ang hospitality nya, kung makatrato parang artista ako.
Tinanong nya ako kung anong klaseng gupit yung gusto ko. Unfortunately hindi ko yon masagot ng matino dahil nakalimutan ko yung right word sa salitang ‘Clean-Cut’ So imbis na maikli yung sagot ko ay  nakailang sentence ako. Oo hindi phrases o sign language, literally sentences talaga. It’s been San Pedro knows naka ilang attempt ako bago ko makana yung right word para maintindihan nya yung gusto kong sabihin. Ayun naman at naipaliwanag ko sa kanya kung ano ang gusto ko. Mabait si kuya at maunawain. Tinanong nya rin ako kung ilang buwan na ko hindi nagpapagupit. Sabi ko dalawang buwan na kahit isang buwan pa lang.
Sa totoo lang ay hindi maiiwasan na hindi ako magpagupit dahil sa trabaho ko kailangan ang well groomed. So una doon ay ang buhok. Buhok lang din naman ang topik, kahit yung kilikili ko at yung buhok ko sa ibaba ay hairless. Ganun ako kalandi.
So si kuya sinimulan nya ako. Una, shinampoo nya muna yung ulo ko.  Lakas maka headgasm yung masahe ni kuya . Sa sobrang sarap napaidlip ako. Nagising na lang ako nung tinapik nya ako sa balikat.
Pagkatapos nya ako ishampoo, tinanong nya ako kung gunting o by machine nya ako gugupitan. Sabi ko gunting. Mas gusto ko gunting dahil doon ko nakikita yung effort ng paggugupit ng isang barbero.
Habang ginugupit na ako ni kuya,  ako rin sinimulan ko ng pumikit. Ugali ko ang pumikit na pretending na parang natutulog. Isa sa mga katangian na ayaw ko sa baryo namin ay mahilig sila sa tsismis. Kaya nilang bulatihin ang iyong buhay ng hindi mo nalalaman. Kaya ako hanggat maaari umiiwas.
So si kuya sinimulan nya yung tuktok  ng ulo ko. Hindi ko alam kung anong klaseng kamay meron si kuya pero kung makalandi sa buhok ko parang babae. Hindi mo mararamdaman na kamay ng isang chubby. 
Matapos nyang gupitan yung upper head ko, side hair naman. Hindi ko alam kung napagod na si kuya at gumamit na ng hair cut machine. Ngayon, normally sa isang hair cutter machine kapag ginamit mo sandali lang ang trabaho mo. Walang hassle kung baga. Pero si kuya struggling. Ilang beses nya pinaraanan yung ulo ko. Halatang wala ng talim yung makina nya at masarap na lang pangmasahe ng ulo yung ginagamit nya. Sa sobrang purol ilang beses din naipit yung buhok ko at pakinang syet hindi man lang humingi ng sorry sa akin. Okay, pagbigyan na. Mabait naman akong tao para sa mga maliliit na bagay na hindi na kailangang ikagalit pa.
Makalipas ang kalahating oras..
Natapos ang gupitan at dinilat ko ang mata ko. Anampaluchang pinagkulangutan ng todo, hindi ko nakilala sarili ko. 
Bakit ganito? Nagmuka akong Andrew E. ng 90’s!
Kasing liwanag ng white light energy saving light bulb ang pagkakaexplain ko at hindi naintindihan? Si kuya ngumiti lang.  Hindi nakuntento at inalukan pa ako ng gel. Pansin sa muka ni kuya na naenjoy nya ang pag-gupit sa akin. Punyeta lang. Sa inis ko napamura ako ng pabulong na malutong habang nilalakad ko ang aisle papunta sa cashier.  
Natapos ang lahat at handa na ko magbayad. Naisip ko yung mga treatment sa akin at kinalkula ko. Okay, shinampoo nya yung buhok ko, ginupitan ako plus yung gel siguradong hindi mahal. Kung sa ibang lugar ay ganoon at ganoon yung presyo na binayaran ko, sigurado dito ganon din o hindi nagkakalayo ang singil nila sa gupit. 
Si ate ipinindot sa cash register yung  ibabayad ko. Nang makita ko yung receipt muntikan ko ng masapak si  Ate.  Bakit doble yung singil? Tinanong ko si ate bakit ganito yung singil sa akin pero si ate pinakita lang yung  price ng mga service nila.  Fuck, sabi ko sa sarili ko. Dapat tiningnan ko yung price list ng service.
Umuwi ako ng walang pera at eto ako, handang magdieta ng isang linggo. 
Pero kanina ay kanina lang.  

9 thoughts on “Kanina ay kanina lang”

  1. Walang picture? Hirap din akong mag explain kung nagpapagupit ako. Hindi tuloy ako makapikit para mabantayan ko. Sisigaw lang naman ng NO!

Comments are closed.