Kim Jong-Il tunay na adik

Maraming nakakaalam na walang awang diktador na pangulo si Kim Jong Il sa bansa ng North Korea. Pero mas maraming hindi nakakaalam na langyang fanatik sya sa larangan ng cinema. Mahigit na ilang libong pelikula ang kanyang koleksyon at ilan sa kanyang mga paborito ay ang  mga  sinaunang James Bond, Rambo at Godzilla.  Isama mo pa ang  serye ng Friday the 13th , Hong kong action films at mga pelikula ni Elizabeth Taylor. Isa syang tunay na film adik kung baga.

Noong 1973 gumawa pa sya ng libro tungkol sa “Sining ng Pelikula” na kung saan isinaad niya na ang pelikula ay hindi lang sining kung hindi mainam din sa pagpopropaganda. Sa ilalim ng pagkakapangulo ng kanyang erpat na si Kim Il-Sung (dating pinuno ng kultura ng bansa) isa sa naging layunin nya na gawing pabrika ng pelikula ang bansang North Korea at kilalanin sila sa mundo. Gayunman, nadama nya na ang potensyal ng kanyang bansa ay limitado. Kaya noong dekada sitenta at umpisa ng dekada ochenta labing isang hapon at South Korean dalubhasang film producer ang kinidnap nila para buhayin ang industriya ng North Korean pelikula. Ngunit karamihan sa mga kinidnap ay namatay sa pagkabihag, at iba naman ay nagpakamatay.

000 SAHK970921093270

Litrato: Ho (credits to the rightful owner)

Sa mga kinidnap, si Shin Sang-ok ang pinakasikat. Nag-aral si Shin sa Japan, at naging matagumpay na producer sa South Korea. Isa sa pinaka mahusay kaya naman nakuha ang atensyon ng diktador. Si Shin at ang kanyang asawang actress na si Choi Eun-hee ay parehas na dinukot at inutusan ni Kim Jong-Il na gumawa ng pelikula para sa kanya upang makakuha ng global recognition sa North Korea’s film industry.

Sa ilalim ng pagkakapangulo ni Kim Jong-Il, noong 1985 isa sa mga pelikulang ginawa nila ay ang Pulgasari. Hinango ang konsepto ng pelikula sa seryeng Gojira na may halong propaganda.

Ang kuwento ay tungkol sa nakaraang panahon ng Dinastiyang Koryo, na kung saan laganap ang pag mamalabis ng mga may ari ng lupa at mga nakakatas na opisyal sa gobyerno sa mga magsasaka. Ang pelikula ay tungkol sa isang manika na gawa sa isang bigas na nilikha ng isang preso, na ang pagkakapatak ng dugo ang siyang bumuhay sa isang halimaw na kumakain ng metal.

Ang pelikula ay may tema ng propaganda laban sa mga epekto ng kapitalismo.

 

Sa desididong makatakas sa North Korea, sa rason na “Punta kami sa Film Festival” bumisita sila sa Vienna (1986);  sabay takbo at nagpakukop sa American Embassy.

Yon lang.

 

 

1 thought on “Kim Jong-Il tunay na adik”

Comments are closed.