Yung buhay ko parang tite ko. Baluktot.

Dude, deadly serious ako. Seryosong nakakabaliw ang buhay ko ngayon. I’ve been struggling what to do with my life.  Kulang na lang talaga magwala ako at pumaslang ng mga tao. Mabilanggo forever at mangumpisal heart-to-heart kay Papa J. hanggang sa pumanaw ako. Goalless at its finest.

Pero to reach the G-spot, kailangan talaga baluktot ang etits otherwise walang arousal ang success.

Ibang level ang katamaran ko kung alam mo lang. Mas malala pa ako sa tambay sa kalye. At least alam nya saan tatambay. E ako, ni hindi ko alam kung saan ko sisimulan ang araw ko.  Nakakabobo at infinitely stagnant.  May mga araw ako na natatapos lang sa wala. Do you feel me bruh? Do you feel me?

Senseless emotions ang kumekerengkeng sa mga neurons ko kaya naman pati intro nitong poste ko e senseless. Ganito naman lagi e.   Ano pa ba maidudura ko.  Alangya what an intro.

Summer na naman kaya ano pa mainam gawin kung hindi humilata sa malamig na semento at sumiesta ng walang hanggan. Hindi ko trip ang bumiyahe sa ibang lugar at humilata ng hubot hubad sa kalsada kung ganito mala-impyerno ang panahon. At best magkulong na lang ako sa kwarto ko at manood ng porn the whole day sa pornhub.com. Teka wait dude, hindi ko ineendorse ang pornhub. Sadyang marami lang talagang nakakakulot bulbol content ang kanilang site. Try mo.

Sa kabilang banda naman, irregular pa rin ako magblog. Dapat every tuesday may poste ako. kaso matindi ang pwersa ng katamaran. Abot kasi ang taya ko sa lotto kaya naman nawalan na ako ng gana mag-blog. Seryoso, nakakaadik pala ang tumaya sa lotto. Kung alam mo lang araw-gabi kung tumaya ako. Yung sweldo ko kada buwan nauubos sa kakataya ko. Hindi na ako nakakaipon. Lahat ng pwede tayaan tinatayaan ko. Nananalo naman which is good pero hindi yung grand prize. Yoon ang target ko pero langyang pinagtakluban ako ng lupa ano naman kasi ang probability na mapapanalunan ko yung grand prize dba?

Hardcore ako maglaro kung tutuusin. Ang strategy ko hanggat kaya ko bumili ng ticket, bibili ako. Yung mga numbers na nabunot for the past decades hindi ko na nilalaro para mabawasan ang sayang nang pagbili. May fixed numbers ako na tuwid kong nilalaro. Syempre kung takot kang sumugal ‘wag kang tumaya. Pero kung gusto mong magbago ang buhay mo for good or for worst e tumaya kang hayop ka. Like me. tularan mo ako. WAHAHAHA!!!

Pero hayaan mo hindi pa nahahantong ang buhay ko na mangutang sa ibang tao. Yoon lang siguro ang masasabi kong magandang banda. Oh di baaaaaaa…..  Tinuro yan ng malibog kong Lolo sa akin. At masunurin naman akong apo which is also gud. Pero again nakakaadik ang tumaya kaya kailangan ko ng itigil itong kahibangan ko. Or at least hinayin? Play moderately? siguro…

Isang matinding sikreto ang pagiging buntis.

Atleast sa pagkakaalam ko. Dahil ito ang ginawa ng matalik kong kaibigan sa akin.

Hindi misleading ang pamagat nitong titulo ko dahil pakinang latik may sense din naman itong crib ko kahit papaano para naman lumigaya ang iyong kaluluwa at hindi ka kumitil ng lamok na ang hangarin lang naman ay sumipsip ng iyong nakakadiabetes na dugo.

Hindi ko talaga maintindihan. Bakit kailangan nya ito itago at sa Boss ko pa kailangan malaman na nagdadalang tao sya.  Inaamin ko na isa akong putapeteng maingay at may gusto sa kanya. Pero to the point na kung sasabihin nya sa akin na huwag ikalat ang sikreto e hindi ko ikakalat. Ganon ako kasimple. Pero pagkakalat ko pa rin dahil proud akong nabuntis sya ng super-retarded nyang nobyo. Wahakhak. Teka may sumamang plema, isa pa, BWAHAHA!!!!

Sa nabasa mo na may gusto ako sa kanya…  partly totoo yon. Dahil ang galing nya lumandi. Yung tipong nararamdaman ko na may something na sa hangin pero yun pala ay utot lang nya na mabaho.

Salbahe akong tao. Sikreto lang natin ito. Bobo ako pagdating sa pakiramdaman ng feelings. Kahit inosenteng mabait na babae luluha ng dugo.  Ang malupit na katotohanan.

Para sa iyong kaalaman, sya ang naging una kong kaibigan sa kasalukuyang kumpanyang aking pinapasukan. Kung tatanungin mo ako pano kami naging magkaibigan ay hindi ko rin alam. Mahilig sya ngumiti, ako rin mahilig ngumiti. Masaya syang kasama pero mas masaya akong kasama. konserbatiba sya pero malibog ako. Palakaibigan sya pero mas malandi ako. Gusto nya ang mga bata pero ayoko sa kanila. Ayaw nya ng chocolate cake, nakakatibe daw. Ako naman gusto ko dahil nakaka-adik.

Madalas sa madalas hindi kami nagkakasundo at nagkaintindihan. At madalas sa madalas wala rin kaming pakelaman sa buhay ng isa’t isa. Isa matinding kape’t gatas na pinaghalo at hindi ko matanggap na isang buwan at ilang araw ko na lang sya mapepeste.

Retarded ako para malungkot. Pero paano naman ako kung wala na sya?

Matindi ang hugot nya sa sikret. Abot ang banggit sa akin ng ‘keep it as a sikret’ sabay ngiti.  Oo ganito sya.

Masyadong masikreto.

Kahit na tatanungin ko lang kung ano kinain nyang miryenda ay sasabihin din nyang sikret. Tangina lang.

Masyadong masikreto. Anong kaputahan ng buhay ito?

Pati ang pagbubuntis…  sinikreto ng matindi sa akin. Nang ibinalita ni manager na nagdadalang tao sya ay muntikan na ako mapaiyak at muntikan ko na syang masapak. Nagunaw ang mundo ko. I feel syet. Tiningnan ko sya at putangpakinang ina lang…   feel na feel nya ang kanyang pagka-center-of-attention. at ang ngiti lang sa kanyang mukha…  nakakaputa ng emosyon.

Darkest moment of my paking layf. Tangina lang talaga.

Mas masarap pa rin ang tilapia kaysa kay Christine at Vivian.

Una sa lahat, gusto kong batiin ang mga alangyang kababaihan dito sa balat ng lupa na maligayang kababaihan sa inyong lahat. Lahat kayo ay may karapatang lumigaya ngayon dahil ito lang ang araw ninyo. The rest ay sa amin.

Para sa atin mga parekoy, ‘wag tayo malungkot kung wala tayong ganyang holiday dahil araw-araw holiday natin. Huwag maging sexist. Ang tunay na lalake ay may bayag ng paninindigan.

Pero seryoso, yung taong nakadiskubre na ang tilapia ay nakakaputa ng buhay ay wala na talagang maisip na research topic kaya pati yung isdang tilapia na nananahimik e pinagtripan na rin. Gaano kabored ang hampas lupang ito?

O baka naman binayaran ng hog producer?

Kung mababalitaan ito ng lolo kong adik na sumalangit na e baka bumalik lang dito sa mundo  para ifish-slap ang mga pa pampam na yon.

Aaminin ko, masarap ang tilapia.  Mapanganib talaga kapag naparami ka ng kain. Sino ba naman ang hindi mapapa-vowel 2 sa kasarapan?

Kung bobosohin ko ang kabilang butas may katotohanan ang balita. Mapanganib talaga kung may iba ng nagmamay-ari ng tilapyang gusto mo. At mas mapanganib ang walang makain. Pero mas nakakawalang gana kumain kung alam mong may ngyayaring ‘Dirty Jobs’.

Pinakanakapagpapabagabag-damdamin

Kung sino ka mang kupal nagsabi na ang pinaka mahabang tagalog na salita ay ang “nakakapagbabagabag” e matalisod ka sana sa daan at makahawak ng malapot na ebs ng aso. At best suka na malapot ng lasinggerong kapitbahay mo.

*kindat kindat*

Kung may kompetisyon na patitigan ng  matagal sa screen ng laptop sigurado ako na ang panalo. Isang matinding eyebolan ang ngyayari ngayon. Kung alam mo lang ang struggle ko sa pag bluetooth ng thoughts ko sa keyboard para lang iligtas ang iyong kaluluwa sa kaboringan. At eventually yes, masasagip ko yan kaluluwa mo kaya kapit ka lang sa akin. Here, have some of my boogers.

Pansin ko pinagtyatyagaan na lang ng madlang people ang Clash of Clans. Clash Royale na ang trending. Try mo,  mas nakakaadik pa kaysa sa trendie mong selfie.  Pero mas matrending pa rin si Carrotman at si Cabbageman. Pero hindi ko pa natitikman ang Kamias Smoothie. Seryoso, lahat na lang na pwedeng iblender nablender na. Kahit yung fishball at kikyam binlender na rin. New fusion taste pampalaman sa tinapay. ‘Wag mong pagtsaagan ang reno liver spread. Try something new ika nga.

Nadiskubre ko na mas mabilis akong pumunta sa kubeta at jumebs kung pag-gising ko sa umaga ay iinom ako ng isa o dalawa basong tubig. Isang malupit na hack para sa pag-tae kung ikaw ay isang klase ng tao na may pagkatibe o hirap umebak sa umaga bago pumunta sa trabaho. Isang mabisang paraan na nasubukan na ng inyong lingkod.

Single to mingle pa rin ako. No fuck since birth ika nga. Pakinang pack sheet yan. Ganito na ba ako ka panget at walang babae ang nagkakagusto sa akin. Hindi naman ako literally na sira ulo ngunit verbally speaking lang kaya ba hindi ako magustuhan ng mga dalaginding dito sa balat ng lupa? Tanong ba ‘to?

Kung titingnan natin ang magandang banda, nanalo na din sa wakas ng Oscar si Di Caprio. Iba talaga nagagawa ng nagpapahaba ng bulbol sa mukha. Pero admit it, dumikit ang tumbong mo sa silya dahil sa haba ng pelikula. At na turn-on ka sa kanyang baling paa. Aminin mo, ang sexy nyang gumapang.

Hindi totoo na nalaos na ang Magnum ice cream. Kanina may nakita akong babae kumakain at sabi ko sa sarili ko “Masarap ba?”   Dahil kung pano nya kainin ay parang chumuchupa ng etits. Seryoso, matinding fellatio ang nagaganap sa kanyang pagnamnam ng iscream.

Pero again, hindi importante kung paano sinungkit ang kulangot sa ilong ko, eto ay nasusukat kung saan ko ito ilalagay o ipapahid. Pwede mo rin ito kainin kung nakakatakam. Kaya i’ll give you mine.

*sabay pahid ng kulangot*

What Now?

Teka, hindi naman talaga ako kupal para sa iyong kaalaman. Isa akong normal na tao na may hangarin at dream na maikama si Ellen Adarna at Iwagayway ang etits ko sa aking bansang Pilipinas.
Ang pagbabalik slash ang nagre-return of the comeback!

Mas marami pa rin ang mga pusong babae kaysa sa mga manyak.

Pansin mo? pansin ko rin.
Lumampas ang ilang buwan na wala akong naipost. Aminin mo, namiss mo ako. Yihiiii….
Hindi mo’ko na miss? Sige, pakyu na lang.
Wala akong makatarungan na dahilan na masasabi sa iyo kung bakit hindi ako nakapagblog nitong nakalipas na ilang buwan kundi ang pagiging tamad ng aking bayag. Pero seriously, dahil sa trabaho kong nakakaputa, e tinamad talaga ako ng wagas. Yung tipong pag-uwi ko galing sa trabaho e wala na akong nais gawin kung hindi ipahinga at ihanda ang sarili ko para sa susunod na araw.  Kahit ang mga day off ko hindi ko ma-enjoy dahil nahahantong lang sa paglilinis o sa pamamalengke. PAKINANG SHEET!

Pero sa kabila ng kaputahan sa buhay e lumalamon pa rin ako ng matino kaya ayos sa olrayt pa rin naman.

Ano balita? 
Kelan lang ay dumating ang Pag-ibig Fund dito sa Hungary para bigyan kami ng aral tungkol sa pag-iipon slash pag-iinvest sa kanila. Nahuli ako nang pagpunta sa Embassy dahil galing trabaho at kabilang bundok pa ang kailangang tahakin makapunta lang doon. Pagdating ko lahat nasa loob na at nasa kalagitnaan na ng discussions. Aaminin ko pag-upo ko sa silya nasummarize ko kaagad yung sinasabi ni Ate. Isa syang malaking brainwash to the nth level. Nasa dugo ko na ang humusga. Natapos ang discussions  na wala akong naintindihan dahil panay ang pugak sa akin ng mga katabi ko. Hindi ko maisnob dahil pakinang sheet kilala ko. Pero fuck me dahil kinausap ko. Isa sa naging debate namin ay yung nakaupo sa harapan namin at nagtatalo na parang wala ng matinong magawa sa buhay kung babae ba talaga yung nasa harapan namin o hindi.
Naging curious ako sa kanya kaya nung natapos ang seminar e tiningnan ko uli si girl. Tumayo sya at napamura ako. SYET, sabi ko sa sarili ko. Babae sya. Pero sabi naman ng katabi ko “Uy bading yan!”. Hindi ko matanggap na bading si dalaginding dahil una she dressed like a girl, tapos ang haba pa ng buhok ang mas nakakabilib pa ay may boobs sya. Cleavage pa lang tinigasan na ako. Okay, sabi ko sa sarili ko “I need to go deep to this shitness”. Nung meryenda time nakita ko si Girl kasama ang kanyang mga kaibigan nasa labas at isolated sila sa iba. Pinuntahan ko sila na parang ako yung long lost friend nila sa pag-greet ko. Nagpakilala ako at nagpakilala din sila sa akin. Doon ko nalaman kakarating lang nila dito sa Hungary para magmaster sa kanilang kurso. Apat sila. Dalawang babae including sya at dalawang lalake. Isa sa Political Science, yung isa naman sa Sociology, at si Girl ay sa Gender studies.

Gender Studies? Pakinang Sheet…

Yung isa hindi ko na maalala kung ano yung kurso kinukuha nya. Kung ano man yon siguradong nakakaputa din ng utak.

Si Girl pinakita nya yung I.D sa akin. Uma-I.D. para magpakilala. Hindi pa nakontento binigyan din ako ng professional card. Binasa ko yung name nya at nagduda ako. Hindi ko na babanggitin ang pangalan nya dito para may privacy at hindi nya ako ipapolice in case na mabasa nya ito. Napaisip ako; Pangalan ba ng babae ito o lalake? Doon  ko na realize na may kababalaghang ngyayari dito. Nagsimulang magsalita yung isang lalake at SYET, doon na nagsimulang umurong ang aking bayag. Hindi ako nakontento at hinintay ko rin magsalita yung isa pang lalake at doon na naging maliwanag ang lahat. Tama yung mga katabi ko. Sya nga. Ngunit in a way na transgender pala sya. Muntikan na mapigtas ang lalamunan ko sa paglunok. Hindi ko inakala na sa ganda nya na yon ay ibang species pala sya. Grabe na talaga sa evolution ngayon. Hindi na ‘ko magtataka kung bakit nakalbo si Charles Darwin sa kanyang theory.

Lumipas ang ilang pagkikita namin at napansin ko ang pagka-love at first sight ni girl sa akin. Ibang iba yung vibes. Hindi sa makapal ang balat ng bayag ko na ilantad na may gusto sya sa akin pero may gusto talaga sya sa akin. Nailang ako na gusto nya ako. Anak ng puting katipay kung sino mang katipay yon ay hindi ko alam.

Wala akong problema sa kanilang species at sa katotohanan ay naenjoy ko ang socializing sa kanila.  Pero ng malaman ko na may pagtingin sa akin si girl wala na akong magawa kung hindi ngitian na lang sya at ibahin ang topic sa tuwing babangitin nya sa akin na kelan ko daw ba sya pakakasalan.

Pero hindi maikakaila na paextinct na ang mga lalake.  Fifty percent na nga lang e fifty percent pa non ay hindi.

Napaisip ako, kung si girl naiihi, anong C.R. ang ginagamit nya? At kung may boobs sya ibig sabihin down there may ano din sya at nilaslas nya ang kanyang batutoy? 

Will you buy my etits virginity?

Hindi naman ako uminom ng isang litrong kape para hindi makatulog ng ganito at nakadalawang tikol na ako para antukin na pero pakinang sheet, bakit gising pa rin ang diwa ko?
Kung sino ka man ang umiisip sa akin sa oras na ito, kenginang mo at matapilok ka sana mamaya at makahawak ng ebs ng aso.
*kindat kindat*
Ano balita? Bukod sa hindi pagposte ng mahigit na isang buwan dito sa crib na alam ko na wala ka naman talaga pakelam kung kelan ako tumatambay at depress sa pagiging stagnant ko sa buhay 24/7 e ayos sa olrayt naman ako.
Katulad lang din ng tite title ng entry na ito, sa ngalan ng pera para makaahon na sa kahirapan at yumaman na talaga ako to the point na pati ikaw na nagbabasa ng senseless poste ko ay mabili ko rin ay ibebenta ko ang virginity ni junior sa Virginity Auction. Ang problema sinong ungas at Lady Gaga ang interesado? 
Pero siempre ‘wag ka magpanik at mag-inarte dahil nasa matinong pag-iisip pa ako nito. Dahil kung nasiraan na ako ng bait e hindi virginity bebenta ko kundi parte ng katawan ko. Ipapachop-chop ko pa sa iyo para freshly harvested sa yummy kong katawan. Teka, parang mas yayaman pa ako kung bebenta ko ang aking body parts?  Pero hindi wais na desisyon yon dahil mahal ko pa ang aking sarili. At siempre, hindi ako nakasinghot habang ginagawa ko ito.

Pero magkano nga ba ang virginity ng aking etits? Well, depende yan sa tipo ng sex na gagawin natin.

One night stand sex (Php 10,050,000)
Pangalan pa lang alam mo na. Again, hindi kita kilala at hindi mo ko kilala. Nag-inuman tayo at may shit happened na ngyari sa atin. Masasabi mong worst sex ever dahil pareho tayong wasted at hindi natin alam kung hanggang saan umabot ang ating kasiyahan. Nahantong nga ba doon to the point na ikaw rin ay napulikatan?

Morning Sex (Php 15,000,000)
Kahit may muta muta at medyo bad breath.

Rush sex (Php 5,170,000)
Matikman at makaraos lang.  Mapa kubeta, opisina, bus station, megamall, iskwelahan, o kahit sa gilid gilid lang ng kanto.

Traumatizing sex  (Php 30,500,000)
Hindi kagandahan, walang itsura, pinagtakloban ng tadhana to the point na walang pumapatol sayo ngunit may pera.

Questionable sex (Php 3,000,000)
gusto mo lang talaga ako tulungan sa aking kasiyahan eto na siguro ang mainam na magagawa mo. Hanapan mo ko ng babae ngunit ikaw pa rin ang main bitch.

Kung interesado at may pera ka, huwag kang mahiyang tawagan at kontakin ako sa numero na ito.

Tel #: +36-70-2031852 o kontakin ako sa akin social network na nasa gilid lamang ng crib na ito.

Kanina ay kanina lang

Kanina mala tae ng baka yung ebs ko. Super size ebs kumbaga. Kung titimbangin siguradong aabot sa isang kilo. Dulot siguro yon ng mga pinagkakain kong veggies. Kaya naman kanina wala akong problema sa poop at tuloy ligo at pasok kaagad ako sa trabaho.
So anong balita sa akin?
Bukod sa pagiging pogi at pagiging hindi wholesome ng blog na ito,  eto at buhay pa rin ako sa awa ni Kamatayan.
Dahil summer na naman, kanina naisipan ko magpagupit. Wala akong transportation pass para bumiyahe papunta sa usual barbero ko kaya dito na lang malapit sa amin ako nagpahaircut.
Para sa inyong kaalaman, sa kabilang baryo ako nagpapagupit at hindi dito malapit sa amin. Oo, bumibyahe pa ang Pareng Cyron ninyo para lang magpagupit. Ako kasi yung tipo ng tao na ayaw makisalamuha at makipagkilala sa kadistrito ko kaya kailangan ko pang dumayo sa kabilang baryo para magmuka akong sosyal.
Pero ngayon exception. Ilang araw pa bago ako sumuweldo at hindi sapat ang dinero ko ngayong buwan kaya kailangan ko magtipid. 
Nasa eskinita lang ng kalye namin ang pagupitan kaya ilang lazy steps nandoon na ako.  Minsan na’ko pumasok doon. Pero hindi ako nagupitan sa kadahilanang wala akong appointment at walang willing gumipit sa akin.
Ito ang ayaw ko sa baranggay namin, may nalalaman pang paapoappointment. Iilang hampaslupa na nga lang kaming nakatira sa baryo ay may nalalaman pang appointment. Okay pagbigyan na, naiintidihan ko. Alam ko sa panahon ngayon kahit yung mabobote ay edukado rin kaya wala ng lugar ang mga primitibong tao na katulad ko dito sa balat ng lupa. Pakinang Syet!
It’s been a hekabol months na rin ang nakalipas ng mangyari yon pero eto ako muli at susubok. Siguradong matatandaan nila ako dahil ako lang ang asianong burat na nakatira dito. As usual wala uli akong appointment at basta lang papasok na parang may hahanapin.
Me: Magandang tanghali po.
(Si ate kumakain pa ng kanyang tanghalian. Tinapay na may palamang sausage.)
Ate:  Hello, How may I help you?
Me: Gusto ko po magpagupit.
Ate: Yes Sir,  ( Sabay tingin sa kanyang schedule notebook)
Me: Uhmmmm..  (sabay eyebol sa kanya)  Ate hindi po ako nagpa-appointment. Pasensya na po.
Ate: Oh, is that so? Okay wait a minute.
Kumpara noon, si ate medyo mabait ngayon. Dati parang gustong pumatay. Yung titig nya mala sanggano, parang may galit sa mundo. Pero ngayon happy sya. (epekto kaya yon ng kinakain nyang sausage on the bread?). Sandali lang daw. Kaya I literally did wait a minute. Si Ate may tinawag sa loob. Iniisip ko kung sino yung tinawag nya. Ine-expect ko babae rin kasi yung mga nakikita kong gumugupit ay puro babae pero nung lumabas yung tinawag ni ate e lalake.
Medyo na disappoint ako.  Pero ayos na rin dahil ang importante ay magupitan ako at magmukang wholesome handsome ako.
Ayos sa olrayt naman si Kuya. Medyo chubby at medyo nawawalan na rin ng buhok sa tuktok. Ayos sa olrayt ang hospitality nya, kung makatrato parang artista ako.
Tinanong nya ako kung anong klaseng gupit yung gusto ko. Unfortunately hindi ko yon masagot ng matino dahil nakalimutan ko yung right word sa salitang ‘Clean-Cut’ So imbis na maikli yung sagot ko ay  nakailang sentence ako. Oo hindi phrases o sign language, literally sentences talaga. It’s been San Pedro knows naka ilang attempt ako bago ko makana yung right word para maintindihan nya yung gusto kong sabihin. Ayun naman at naipaliwanag ko sa kanya kung ano ang gusto ko. Mabait si kuya at maunawain. Tinanong nya rin ako kung ilang buwan na ko hindi nagpapagupit. Sabi ko dalawang buwan na kahit isang buwan pa lang.
Sa totoo lang ay hindi maiiwasan na hindi ako magpagupit dahil sa trabaho ko kailangan ang well groomed. So una doon ay ang buhok. Buhok lang din naman ang topik, kahit yung kilikili ko at yung buhok ko sa ibaba ay hairless. Ganun ako kalandi.
So si kuya sinimulan nya ako. Una, shinampoo nya muna yung ulo ko.  Lakas maka headgasm yung masahe ni kuya . Sa sobrang sarap napaidlip ako. Nagising na lang ako nung tinapik nya ako sa balikat.
Pagkatapos nya ako ishampoo, tinanong nya ako kung gunting o by machine nya ako gugupitan. Sabi ko gunting. Mas gusto ko gunting dahil doon ko nakikita yung effort ng paggugupit ng isang barbero.
Habang ginugupit na ako ni kuya,  ako rin sinimulan ko ng pumikit. Ugali ko ang pumikit na pretending na parang natutulog. Isa sa mga katangian na ayaw ko sa baryo namin ay mahilig sila sa tsismis. Kaya nilang bulatihin ang iyong buhay ng hindi mo nalalaman. Kaya ako hanggat maaari umiiwas.
So si kuya sinimulan nya yung tuktok  ng ulo ko. Hindi ko alam kung anong klaseng kamay meron si kuya pero kung makalandi sa buhok ko parang babae. Hindi mo mararamdaman na kamay ng isang chubby. 
Matapos nyang gupitan yung upper head ko, side hair naman. Hindi ko alam kung napagod na si kuya at gumamit na ng hair cut machine. Ngayon, normally sa isang hair cutter machine kapag ginamit mo sandali lang ang trabaho mo. Walang hassle kung baga. Pero si kuya struggling. Ilang beses nya pinaraanan yung ulo ko. Halatang wala ng talim yung makina nya at masarap na lang pangmasahe ng ulo yung ginagamit nya. Sa sobrang purol ilang beses din naipit yung buhok ko at pakinang syet hindi man lang humingi ng sorry sa akin. Okay, pagbigyan na. Mabait naman akong tao para sa mga maliliit na bagay na hindi na kailangang ikagalit pa.
Makalipas ang kalahating oras..
Natapos ang gupitan at dinilat ko ang mata ko. Anampaluchang pinagkulangutan ng todo, hindi ko nakilala sarili ko. 
Bakit ganito? Nagmuka akong Andrew E. ng 90’s!
Kasing liwanag ng white light energy saving light bulb ang pagkakaexplain ko at hindi naintindihan? Si kuya ngumiti lang.  Hindi nakuntento at inalukan pa ako ng gel. Pansin sa muka ni kuya na naenjoy nya ang pag-gupit sa akin. Punyeta lang. Sa inis ko napamura ako ng pabulong na malutong habang nilalakad ko ang aisle papunta sa cashier.  
Natapos ang lahat at handa na ko magbayad. Naisip ko yung mga treatment sa akin at kinalkula ko. Okay, shinampoo nya yung buhok ko, ginupitan ako plus yung gel siguradong hindi mahal. Kung sa ibang lugar ay ganoon at ganoon yung presyo na binayaran ko, sigurado dito ganon din o hindi nagkakalayo ang singil nila sa gupit. 
Si ate ipinindot sa cash register yung  ibabayad ko. Nang makita ko yung receipt muntikan ko ng masapak si  Ate.  Bakit doble yung singil? Tinanong ko si ate bakit ganito yung singil sa akin pero si ate pinakita lang yung  price ng mga service nila.  Fuck, sabi ko sa sarili ko. Dapat tiningnan ko yung price list ng service.
Umuwi ako ng walang pera at eto ako, handang magdieta ng isang linggo. 
Pero kanina ay kanina lang.  

Liebster Award

ILANG TAONS  AT ILANG BUWANS…  (taglish yan kung hindi mo alam. Plural to the nth power.)  ang nakalipas, bago ko nakuha tong award. Tangina lang. Kinana na ng marami at maluwag na. Pero for the nth time, ako naman ang kakana.

The rules:
1. Link the blog that nominated you for the award.
2. Answer the 11 questions given to you.
3.Create 11 questions for the people you nominate to answer.
4. Choose 11 bloggers to nominate who have less than 200 followers.
5. Let the people you have nominated know what you have done so.
6. You can’t nominate the person who nominated you.

At eto ang mga tanong na isinampal sa akin ni kagandahang Yccos of saturdaythoughts:

Bakit ka nga uli nagbablog?
Pang anti-cancer.

How do you mend a broken heart?
Manood ng madramang palabas at iiyak then manood ng porn and  fap it.

Have you ever wondered kung bakit di ka crush ng crush mo? Anong napala mo sa pag-iisip?
sya ang may problema. tangina nya.

If you’re not human, what are you? why?
niloloko mo ba ko?

Tent Camping or Hotel staycation? Why?
basta may free wi-fi doon ako.

Quickie or Take your time?  Why?
Kung kakantutin ba kita, would you like it to be quickie or take my time?

What’s the best lesson in life you’ve learned so far?
Sa lahat ng bagay may puwedeng matutunan. Kahit sa tae pang nakaharang sa daan.

What’s your ultimate goal this 2014?
Get laid. Ultimate goal ko ito and I will be happy if you can help me fulfill this.

What food do you hate the most?
you can’t hate food.  i hate people who don’t know how to prepare and cook them.

Coffee or Tea?
Ikaw na lang kaya?

What is the Theme Song of your life?
Banal na Aso Santong Kabayo

At eto naman ang tanong ko na ibabato ko sa labing isang kupal tao na mapipili ko. Pero opcourse gagawin kong wholesome ang tanong dahil alam ko namang  you’ll hate me more than your ex/s kung hindi matino ang itatanong ko sa inyo. Inglishin ko na rin para naman maistimulate ang mga neurons ninyo. O ayan, mabait na ko nyan. tangina ninyo lab you.

1. What do you think about when you’re alone?
2. Would you take a one way mission to mars trip? Why?
3. What would you like about being the opposite sex?
4.  For what conspiracy theory do you secretly hold beliefs?
5. What was your most intense dream?
6. Have you ever faked an orgasm while masturbating?
7. What do you think is at the edge slash end of the universe?
8. Where would you go in a time travel machine? would you stay?
9. Do you thing Pareng Cyron is good in bed?
10. What is Satan’s last name?
11. If you will have a chance to have sex to an artist, who will that be?

And the award goes to:

Simon of It started out with a text
Apple Pie of Living young, wild and broke
Chee of Going Guderian
Batang Gala of Batang Gala
Ester Yaje of esteryaje
Will Cabrera of melikesart
Batoytoy of Batoytoy in the City
Zoe of That’s Zoe
Juderic of Street corner with love
Seth of Cubao-Ilalim
Traveliztera of Traveliztera

Kung tapos mo na gawin either na poste mo yung sagot mo as a komento o poste mo sa crib mo katulad ng ginawa ko. Okay?

One thing I learned kay Kupido

It’s been God-knows-how long nang bumuka ang lupa sa mundo, bumulwak ang apoy, humalakhak ng malakas si satanas, nagkantahan at nag-creepwalk ang mga anghel. Nabiyak ang kawayan at lumabas si malakas at si maganda at doon na nagsimula ang pinoy sex scandal.

May naisip ako kanina habang naglalakad papauwi, nakalimutan ko nga lang.

Malapit na ang araw ng mga puso pero di ko pa rin sasabihin ano sekreto ko sa pagiging pogi (Ano kinalaman?)  Bukod sa likas papaya na gamit ko sa aking maitim na wrinkled balls at  close-up toothpaste na pinapapak ko lang pampatawid gutom, ano nga ba talaga ang silbi ng ginupit na kuko?
Maraming praning and seriously mentally ill sa araw ng mga puso. Tingin ninyo? (Gago para namang may sasagot, wala na nagbabasa ng blog mo.) Kasi eto lang yung isang araw sa taon na nagsisilabasan ang mga malalanding emo, nagkakaubusan ng katol at rugby sa mga tindahan and full occupancy ang mga motel. Pansin mo? pansin ko rin.

Negosyo lang ang blooming sa Valentines day na pinauso ni Cupid Chupaero. Kanina nga lang napadaan at napalingon ako sa Victoria’s Secret sa kadahilanang nakita ko na majority na nasa loob ng store ay lalaki. Hula ko dahil too mainstream na ang chocolates and roses na pambigay, lingerie naman para maiba. (Yun ay kung hindi ako nagkakamali na pangreregalo nila yon sa kanilang chiks at hindi para sa kanila)

One thing I learned kay Kupido, Valentines day ay isang sobrang exagggggggeratedly over-redundantly overrated. Redundanttly redundant na. (Teka ano nga uli yung redundant?)

Pero isa kang malaking ungas kung naniniwala ka na ang katorse ng pebrero ay tungkol sa pag-ibig. Dude isang malaking kalokohan to dude. Dude ang February 14 dude ay para sa preliminary round for SEX. oo dude para sa SEX. Kahit itanong mo pa kay Pareng Google ang katotohanan tungkol sa katorse.

Pag-ibig? isang malaking pain yan sa mga madaling mauto. Kaya wag ka na magtaka kung puno lagi ang motels dahil mas alam nila ang kahulugan ng katorse kaysa sa inyong mga nube kayo. HAHAHA. teka isa pa WAHAHAHA!!!

yun lang.