Death Penalty: Parusa sa nagaganap na krimen sa Pinas.

Alam na natin na ang pumatay ng kapwa ay mali. Kahit saang anggulo natin tingnan ay mananatiling katotohonan ito dito sa balat ng lupa. At kung moral at maka-diyos kang tao suportado mo ito dahil sa hustisyang tama ang iyong pinaniniwalaan.

Pero ang tanong, paano naman ang mga nabiktima ng mga criminal? Ang mga pamilya at mga inosenteng taong napahamak at napatay ng walang rason dahil sa kanilang masamang gawain at nagawa?

Ang aking opinyon ay salungat sa paniniwalang hindi solusyon ang parusang kamatayan sa ating bansa.

OO, SOLUSYON ITO SA ATING BANSA.

Hindi dahil wala akong moral sa buhay at hindi makatao. Sadyang sa panahon ngayon kailangan lang talagang dumisiplina ang mga kapwa tao natin at ituwid ang kanilang mga sarili kahit mahirap ang buhay. Hindi ngunit mahirap ang buhay ay gagawa na ng krimen. Maraming paraan para mamuhay ng tama.

Hindi natin kailangang ikumpara ang bansa natin sa bansa ng iba dahil hindi tayo sila at hindi sila tayo.

Maraming makabuluhang dahilan para ipatupad uli at suportahan ang death penalty.

Una sa lahat, naniniwala ako sa pantay na parusa  sa pantay na krimen na nagawa. At bilang isa sa mamamayan ng ating lipunan, naniniwala ako na tama lang na ibalik at magkaroon ng ganitong batas uli sa ating bansa.

Si Digong na rin ang nagsabi:

„Hindi ko layunin ang pababain ang krimen sa ating bansa. Nagkasala ka ng malaki sa iyong kapwa tao,  MAGBAYAD KA SA GINAWA MO”.

Dahil sa batas na ito, ang mga pamilyang nabiktima ay mabibigyan ng katarungan at hustiya para masara ang kanilang mapait na nahatungan at paghihirap.

Pangalawa, naniniwala ako sa tamang hustisya.  May mga krimen na malala, nakakatakot, at nakakakilabot. Halimbawa nito ay rape, masacre, abduction, bribery, drug related situation na kung saan buhay na ng tao ang nakataya.  Tama lang na ipatupad  ang batas na ito para mahadlangan ang paglaganap ng mga ito sa bansa natin.

Pangatlo, para i-demoralize at pahinain ang loob ng isang tao para gumawa ng krimen.

Kaya ganitong malala ang sitwasyon ng krimen sa ating bansa ay dahil wala tayong  malakas na parusa laban dito. Kung may ganitong batas, marami ang matatakot at maraming titino.

Naniniwala ako na makakabuti ito sa lipunan natin at hindi ako naniniwala na ikabababa ito nang halaga ng buhay ng tao sa bansa natin.

Hindi na ba kayo nagsasawa na araw-araw ang headline ay droga, patayan at rape?  Satingin ko, sawa na tayo sa kawalan ng solusyon.

Hindi ako pabor at sang-ayon sa batas na panghabang buhay na bilanggo. Dahil ganun din, pinatay mo na rin yung kriminal. Pinagkaiba lang   „slowly but surely”  at best, mabubulok at mamatay sya sa bilanguan ng katandaan o sa sakit na makukuha nya doon. Main point: Walang konsensyang naganap dahil  hindi direkto na pinatay sya.

Isa pa, magsisiksikan lang silang lahat sa kulungan. Kargo pa ng pamahalaan ang kanilang pagkain at kalusugan. Maswerte pa sila sa mga pulubi, sila pinapakain 3 times a day ng gobyerno, yung mga pulubi? Sa basurahan naghahanap ng makakain.

Karapatan ng bawat isa saatin na mabuhay. At dpende sa atin kung paano natin gagamitin ito dito sa mundo. Ang death penalty ay sinang-ayon ng nakararami sa makataong paraan. At ang batas na ito ay ginawa para bigyan ng boses ang bansa natin na tumino tayo at mabuhay ng marangal. At ito ang kapalit sa hindi pagsunod sa moral na buhay.